Fernandez Ray Anthony A.
3lm2 Retorika
"Kabugan" ng Teatro Tomasino
Ang dulang ito ay binubuo ng dalawang kwento. Ang una ay ang “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran at ang ikalawa ay ang “Anino” ni Allan Lopez. Ipinalabas ito nung nakaraang Pebrero sa Albertus Magnus Auditorium, Education Building, UST, España, Manila. Ang Kabugan ay ang ikalawa sa malaking produksyon ng grupong teatriko nga Unibersidad ng Santo Tomas sa kanilang ika 31’ng panahon ng pagtanghal.
Ang kwento ng “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ay tungkol sa dalawang tao na nagkakilala sa isang dapit-hapon sa isang zoo. Ang lalaki ay may asawa subalit ayaw nyang pag-usapan ito, at nais lamang pag-usapan ang tungkol sa kasalukuyan at hinaharap. Ang babae naman ay mukhang nahumaling sa lalaki. Dahil doon ay nagkalapit sila at nagkikita palagi sa zoo bawat hapon para magkwentuhan. Hanggang sa dumating ang araw na nahuli sila ng asawa ng lalaki at pinag-babaril ang mga ito.
Ang kwento naman ng “Anino” ay tungkol sa isang babae na dinalaw ng kalaguyo niya habang nagdadasal. Ang kalaguyo niya ay ang anak ng kanyang kasalukuyang asawa. Binisita ito ng kalaguyo niya para ipaalam na pinainom niya ng lason ng kanyang sariling ama para mawala ito sa kahihiyan na idinulot ng relasyon nilang dalawa. Dahil dito sinaksak ng babae ang kanyang kalaguyo sa loob mismo ng kanyang sariling papamahay at bumalik sa nakaugaliang pagdadasal
Sa physical na aspeto, maganda ang pagkapili ng seting at kapaligiran ng dula. Maayos ang tunog, malakas ang mga boses ng mga tauhan at hindi sila nagsasapawan sa pagtanghal. Maayos din ang pagkapili ng mga damit at ang pagganap ng mga artista sa mga papel na ginagampanan nila. Sa kabilang banda, Malabo ang paggamit ng ilaw sa teatro at medyo mali ang timing nito kaya paminsan minsan hindi mo makuhang isabuhay ang nais ipahatid ng may-akda. Malabo din ang props na nagilbing “background” ng kwento. Makwekestyon mo ang "background" dahil hindi mo siya mahahalatang isang zoo dahil malayo ito sa itsura ng zoo. Pero angkop naman ang “background” ng ikalawang kwento.
Kung laman naman ang pag-uusapan, masasabing walang punto ang naunang kwento. Mababaw ang istorya at walang masyadong misteryo na mapapaisip ang manonood. Magaling nga ang mga artista, subalit wala namang kabuluhan ang mga papel na ginampanan nila. Naisabuhay nga nila ang mga kakarakter, subalit malabo padin ang nais iparating ng may-akda. Wala kang aral na makuha sa naunang kwento at wala dinng silbi at wala sa ayus ang sayawan sa umpisa ng kwento. Sa kabilang banda, masasabing may punto naman ang ikalawang kwento. Madali mong makukuha ang nais iparating ng may-akda at ang aral sa likod ng kwento. Na ang babae ay nag-aakala na maliligtas siya sa kakadasal kahit matindi ang mga ginawa niyang kasalanan. Nagampanan din naman ng mga artista nito ang papel na ibinigay sa kanila at yung kanilang natataning entrada ay nakatulong para maiparating ang “mood” at misteryo ng kwento.
Sa bandang huli, masasabi kung hindi dapat kami pinabayad ng 110 pesos para sa dalawang kwentong ito dahil kalahati lamang ang me punto. Dapat mga 55 pesos lang. Tapos masyadong maiklsi ang oras para sa pagsasadula ng dalawang kwento.
Tuesday, March 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maganda ang ginawang pag-aanalisa. 90%
ReplyDelete