Fernandez, Ray Anthony A.
3LM2 Retorika
“Ploning”
Nung nakaraang taon, ipinalabas sa takilya ang pelikulang Ploning ni Judy Ann Santos. Ito ay isang kwento na hinango sa isang awitin na kapareho ng pamagat. Ang Ploning ay isinalaysay sa pamamagitan ng mga baliktanaw sa nakaraan ng pangunahing tauhan sa pelikula na si Digo at ang kaugnayan ng isang babaeng nagngangalang Ploning, dito.
Ang pelikula at ikwinento sa dalawang panahon, ang panahon nina Ploning, mga 25 taon na ang nakalipas at ang kasalukuyan kung saan hinahanap siya ni Digo. Ang paksa ng kwento ay si Ploning, isang babae na darating sa sa pagkamatandang dalaga ay hindi parin nag-aasawa. Dahil anak siya ng maituturing na ama ng bayan, kilala siya ng lahat at nakikisalamuha siya sa mga ito palagi. Lalong lalo na kay Digo, anak ng isang lumpo, ngunit masayahin na babaeng nagngangalang Juaning. Sa pagpapatuloy ng kwento, may mga babae pang ipinakilala na nakasalamuha ni Ploning, si Ana, isang martir sa pag-ibig, si Seling, isang nurse na galling Maynila, liberal, at nagsasabi na di niya kailangan ng lalake para magpalaki ng anak, si Nieves, isang mapagmahal na asawa at nagsasabi na kumpleto na ang buhay niya, at si Intang, isang kuripot na matanda na nanay ng kanyang nobyo na nasa Maynila. Bawat isa sa kanila ay masasabing kabaligtaran ng ugali ni Ploning, at nagmiistulang misteryo sa lahat kung bakit ganito ito. Ang tahimik nilang mga buhay ay nagulo nang nagdesisyon si Ploning na pumunta ng Maynila upang hanapin ang nobyo at dahil dito, kung ano anung kaguluhan ang nangyari mula sa pagkamatay ng tatay ni Ploning, pagkawala ni Digo sa dagat, at ang pagkabunyag ng isang matinding lihim.
Ang pelikulang ito ay kinunan sa Palawan kung saan ipinakita ang angking kagandahan nito. Hindi isiniwalang bahala ng director ang kaangkupan ng kapaligiran sa pagkuha nito ng tamang mga anggulo at ilaw sa mga eksena ng pelikula at naibunyag ng maayos ang damdamin sa kwento dahil dito. Maganda rin ang daloy ng mga eksena sa kwento at hindi nakakalito sa manonood. Magaling ding pumili ng angkop na kasuotan at musika ang cast nito. Angkop na angkop sa kwento.
Kung sa isang banda, masasabi na maganda ang pagkagawa sa pelikula, ang laman naman nito ay sadyang nakakalito at magulo. May mga eksena dito na masasabing di angkop o wala sa punto. Marami ding mga tanung na iniwan ang kwento. Mas marami pa kesa sa simula nito, gaya nang kung anung nagyari kay Ana, o kung naiuwi nga ba nila ang bangkay ni Tomas? Ibigay din natin na halimbawa ang pagkalabo labo kung sino talaga ang bida ng pelikula. Dahil papalit palit ang pokus ng kwento, hindi mo masasabi na si Ploning eto dahil kadalasan, anyan lang sya sa tabi at nagpapagalaw lang ng kwento sa susunod na eksena.
Kung ang pag-arte naman ang paguusapan, masasabi na magaling nga talaga ang mga artista kinuha nila. Sublalit nakasama ang mistulang pagpupumilit ng mga ito na magsalita ng dialecto sa kwento. Hindi natural ang dating ng mga ito at parang walang buhay. May mga eksena din sa kwento na di kayang madala sa pag-basa ng pagsasalin sa tagalong.
Sa pangkalahatan, masasabing maganda ang pelikulang Ploning sa panlabas na kaanyuan. Subalit kung susuriing mabuti, nagmimistulang walang punto ang kwento dahil sa pag iba-iba nito ng pokus at hindi mo malaman kung ano talaga ang nais iparating nito. Ito din siguro marahil ang nakita ng mga hurado ng Oscar’s at kaya tinanggal ito sa mga listahan ng particpante. Sa kauuan, mabibigyan ko ng 4 na puntos sa iskala ng 10 ang Ploning. Isang siyang magandang kwento kumbaga, pero matindi ang kakulangan nito sa hangarin na nais iparating. Isa siya sa mga kwento na maalala mo sa katagalan, subalit isa-sangtabi mo lang dahil wala namang espesyal sa kwento nito maliban sa kinunan ito sa Palawan.
Maging maingat sa pagsusulat. 93%
ReplyDelete