Tuesday, March 10, 2009

Pagsusuring Pang teatro ng "Kabugan"

Fernandez Ray Anthony A.
3lm2 Retorika
"Kabugan" ng Teatro Tomasino


Ang dulang ito ay binubuo ng dalawang kwento. Ang una ay ang “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran at ang ikalawa ay ang “Anino” ni Allan Lopez. Ipinalabas ito nung nakaraang Pebrero sa Albertus Magnus Auditorium, Education Building, UST, España, Manila. Ang Kabugan ay ang ikalawa sa malaking produksyon ng grupong teatriko nga Unibersidad ng Santo Tomas sa kanilang ika 31’ng panahon ng pagtanghal.
Ang kwento ng “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon” ay tungkol sa dalawang tao na nagkakilala sa isang dapit-hapon sa isang zoo. Ang lalaki ay may asawa subalit ayaw nyang pag-usapan ito, at nais lamang pag-usapan ang tungkol sa kasalukuyan at hinaharap. Ang babae naman ay mukhang nahumaling sa lalaki. Dahil doon ay nagkalapit sila at nagkikita palagi sa zoo bawat hapon para magkwentuhan. Hanggang sa dumating ang araw na nahuli sila ng asawa ng lalaki at pinag-babaril ang mga ito.
Ang kwento naman ng “Anino” ay tungkol sa isang babae na dinalaw ng kalaguyo niya habang nagdadasal. Ang kalaguyo niya ay ang anak ng kanyang kasalukuyang asawa. Binisita ito ng kalaguyo niya para ipaalam na pinainom niya ng lason ng kanyang sariling ama para mawala ito sa kahihiyan na idinulot ng relasyon nilang dalawa. Dahil dito sinaksak ng babae ang kanyang kalaguyo sa loob mismo ng kanyang sariling papamahay at bumalik sa nakaugaliang pagdadasal
Sa physical na aspeto, maganda ang pagkapili ng seting at kapaligiran ng dula. Maayos ang tunog, malakas ang mga boses ng mga tauhan at hindi sila nagsasapawan sa pagtanghal. Maayos din ang pagkapili ng mga damit at ang pagganap ng mga artista sa mga papel na ginagampanan nila. Sa kabilang banda, Malabo ang paggamit ng ilaw sa teatro at medyo mali ang timing nito kaya paminsan minsan hindi mo makuhang isabuhay ang nais ipahatid ng may-akda. Malabo din ang props na nagilbing “background” ng kwento. Makwekestyon mo ang "background" dahil hindi mo siya mahahalatang isang zoo dahil malayo ito sa itsura ng zoo. Pero angkop naman ang “background” ng ikalawang kwento.
Kung laman naman ang pag-uusapan, masasabing walang punto ang naunang kwento. Mababaw ang istorya at walang masyadong misteryo na mapapaisip ang manonood. Magaling nga ang mga artista, subalit wala namang kabuluhan ang mga papel na ginampanan nila. Naisabuhay nga nila ang mga kakarakter, subalit malabo padin ang nais iparating ng may-akda. Wala kang aral na makuha sa naunang kwento at wala dinng silbi at wala sa ayus ang sayawan sa umpisa ng kwento. Sa kabilang banda, masasabing may punto naman ang ikalawang kwento. Madali mong makukuha ang nais iparating ng may-akda at ang aral sa likod ng kwento. Na ang babae ay nag-aakala na maliligtas siya sa kakadasal kahit matindi ang mga ginawa niyang kasalanan. Nagampanan din naman ng mga artista nito ang papel na ibinigay sa kanila at yung kanilang natataning entrada ay nakatulong para maiparating ang “mood” at misteryo ng kwento.

Sa bandang huli, masasabi kung hindi dapat kami pinabayad ng 110 pesos para sa dalawang kwentong ito dahil kalahati lamang ang me punto. Dapat mga 55 pesos lang. Tapos masyadong maiklsi ang oras para sa pagsasadula ng dalawang kwento.

Monday, March 9, 2009

Pamagat ng Blog para sa Retorika

Fernandez, Anthony A.
3LM2 Retorika
"Pagpupunyagi"

Ito ang napili kong pamagat sa aking “blog” dahil nailalarawan ng isang salitang ito ang buhay ko sa kasalukuyan. Ang katumbas na salita nito sa ingles ay “struggle” na ibig sabihin ay pagharap sa pagsubok , o pagharap sa mga bagay na hindi ginusto ngunit kailangang malagpasan. Bilang isang miyembro ng lipunan at isa sa mga naturing na pag-asa ng kinabukasan, maraming pagsubok ang nararanasan ko sa pang-araw araw na pamumuhay. Sa pagpupunyagi ko ko malalaman ang sarili, kung saan at ano ang silbi ko sa mundo. Sa pagpupunyagi ko nailalabas ang aking saluobin ukol sa mga paksa at pangyayari sa paligid at sarili ko at pati narin kung paano ko mahahanap ang mga suliranin na ito. Ito ang naking nagiging pangunahing hakbang para malagpasan ang mga pagsubok na dumadating sa buhay, nang makilala ko ang totoo kung pagkatao at ang lugar ko sa mundong ito.

Pagsusuring Pampelikula ng "Ploning"

Fernandez, Ray Anthony A.
3LM2 Retorika
“Ploning”
Nung nakaraang taon, ipinalabas sa takilya ang pelikulang Ploning ni Judy Ann Santos. Ito ay isang kwento na hinango sa isang awitin na kapareho ng pamagat. Ang Ploning ay isinalaysay sa pamamagitan ng mga baliktanaw sa nakaraan ng pangunahing tauhan sa pelikula na si Digo at ang kaugnayan ng isang babaeng nagngangalang Ploning, dito.

Ang pelikula at ikwinento sa dalawang panahon, ang panahon nina Ploning, mga 25 taon na ang nakalipas at ang kasalukuyan kung saan hinahanap siya ni Digo. Ang paksa ng kwento ay si Ploning, isang babae na darating sa sa pagkamatandang dalaga ay hindi parin nag-aasawa. Dahil anak siya ng maituturing na ama ng bayan, kilala siya ng lahat at nakikisalamuha siya sa mga ito palagi. Lalong lalo na kay Digo, anak ng isang lumpo, ngunit masayahin na babaeng nagngangalang Juaning. Sa pagpapatuloy ng kwento, may mga babae pang ipinakilala na nakasalamuha ni Ploning, si Ana, isang martir sa pag-ibig, si Seling, isang nurse na galling Maynila, liberal, at nagsasabi na di niya kailangan ng lalake para magpalaki ng anak, si Nieves, isang mapagmahal na asawa at nagsasabi na kumpleto na ang buhay niya, at si Intang, isang kuripot na matanda na nanay ng kanyang nobyo na nasa Maynila. Bawat isa sa kanila ay masasabing kabaligtaran ng ugali ni Ploning, at nagmiistulang misteryo sa lahat kung bakit ganito ito. Ang tahimik nilang mga buhay ay nagulo nang nagdesisyon si Ploning na pumunta ng Maynila upang hanapin ang nobyo at dahil dito, kung ano anung kaguluhan ang nangyari mula sa pagkamatay ng tatay ni Ploning, pagkawala ni Digo sa dagat, at ang pagkabunyag ng isang matinding lihim.
Ang pelikulang ito ay kinunan sa Palawan kung saan ipinakita ang angking kagandahan nito. Hindi isiniwalang bahala ng director ang kaangkupan ng kapaligiran sa pagkuha nito ng tamang mga anggulo at ilaw sa mga eksena ng pelikula at naibunyag ng maayos ang damdamin sa kwento dahil dito. Maganda rin ang daloy ng mga eksena sa kwento at hindi nakakalito sa manonood. Magaling ding pumili ng angkop na kasuotan at musika ang cast nito. Angkop na angkop sa kwento.

Kung sa isang banda, masasabi na maganda ang pagkagawa sa pelikula, ang laman naman nito ay sadyang nakakalito at magulo. May mga eksena dito na masasabing di angkop o wala sa punto. Marami ding mga tanung na iniwan ang kwento. Mas marami pa kesa sa simula nito, gaya nang kung anung nagyari kay Ana, o kung naiuwi nga ba nila ang bangkay ni Tomas? Ibigay din natin na halimbawa ang pagkalabo labo kung sino talaga ang bida ng pelikula. Dahil papalit palit ang pokus ng kwento, hindi mo masasabi na si Ploning eto dahil kadalasan, anyan lang sya sa tabi at nagpapagalaw lang ng kwento sa susunod na eksena.

Kung ang pag-arte naman ang paguusapan, masasabi na magaling nga talaga ang mga artista kinuha nila. Sublalit nakasama ang mistulang pagpupumilit ng mga ito na magsalita ng dialecto sa kwento. Hindi natural ang dating ng mga ito at parang walang buhay. May mga eksena din sa kwento na di kayang madala sa pag-basa ng pagsasalin sa tagalong.

Sa pangkalahatan, masasabing maganda ang pelikulang Ploning sa panlabas na kaanyuan. Subalit kung susuriing mabuti, nagmimistulang walang punto ang kwento dahil sa pag iba-iba nito ng pokus at hindi mo malaman kung ano talaga ang nais iparating nito. Ito din siguro marahil ang nakita ng mga hurado ng Oscar’s at kaya tinanggal ito sa mga listahan ng particpante. Sa kauuan, mabibigyan ko ng 4 na puntos sa iskala ng 10 ang Ploning. Isang siyang magandang kwento kumbaga, pero matindi ang kakulangan nito sa hangarin na nais iparating. Isa siya sa mga kwento na maalala mo sa katagalan, subalit isa-sangtabi mo lang dahil wala namang espesyal sa kwento nito maliban sa kinunan ito sa Palawan.

Tuesday, March 3, 2009

Pagsusuri pang novela ng "Groom For Hire" ni Rose Tan

Fernandez, Ray Anthony A.

3LM2 Retorika

“Groom For Hire” ni Rose Tan

I.Synopsis

Nagkakilala sina Graciano at Timmy nang pumunta ang huli sa lugar nina Graciano. Kukunin kasi niya ang serbisyo ni Ramil, isang photographer at nagkataong kaibigan din ni Graciano, para sa kanyang nalalapit na kasal kay Brennen. Nang araw na pumunta si Timmy nabangga siya sa sasakyan ni Graciano at doon nagsimula ang kanilang pagkakakilala sa isa’t isa. Doon niya pinaayos ang kanyang sasakyan sa talyer na pagmamay-ari ni Graciano.

Si Timmy, nagtatrabaho sa isang advertising company. Maganda, mabait at financially independent. Naghahanap ng isang pagmamahal sa isang lalaki. Takot magkaroon ng commitment dahil itinuring niyang kapansanan yung hindi siya magkaroon ng anak.Nagkaroong siya ng yysterectomy anim na taon na ang nakalipas.

Si Graciano, gwapo pero hindi na masasabi sa unang tingin na mayroon na siyang dalawang anak. Masaya na siya sa piling ng kanyang mga ank. Namatay ang asawa dahil sa inatake ito ng hika habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isang napakalaking achievement para kay Timmy ang pagkakaroon ng isang lalaking tumanggap sa kanyang kakulangan bilang isang babae at mag-alok sa kanya ng kasal. Lubhang napakasaya niya at nakakondisyon na ang isip niyang para sa kanyang nalalapit na kasal kaya hindi niya inaasahan na darating ang araw na iyon na sabihin ni Brennen sa kanya ang balitang ito, ano pang halaga ng kanyang buhay. Kaya naisip niyang magpakamatay ngunit nagbago ang kanyang hangarin na mamatay tumawag si Graciano.

Nang muli silang magkita ni Graciano, nagkaroon siya ng ideya. Inalok niya ito ng one hundred thousand pesos kapalit ng pagpapanggap nitong si Brennan upang mapagtakpan niya ang kahihiyan. Tinanggap ito ni Graciano dahil malaking tulong sa kanya ang pera, ilalaan niya ito sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Tinuruan ni Timmy si Graciano ng wastong pagkilos at pananalita tulad ng mga tanong nabibilang sa alta-sosyedad. Hindi na rin siya gaanong nahirapan dahil nakaabot namang sa ikalawang taon sa kolehiyo so Graciano bago ito nagtrabaho sa Korea. Hanggang dumating dumating ang araw na kailangan na nilang magkunwari. Darating mula sa ibang bansa ang mga magulang ni Timmy. Mabait ang mga magulang ni Timmy. Parang hindi niya kayang magsinungaling sa mga ito. Nagging palagay naman ang lood niya. Kinausap siya ng palihim ng ina ni Timmy, gusto nitong sabihin na lahat ng tungkol sa lanyang magiging asawa. Doon niya nalaman na kaya pala ganun na lang ang pang-iispoil nito sa mga anak niya dahil wala kakayahang magkaanak. Nakaramdam siya ng awa dito. Napadesisyon nilangpagtapat na lang sa lahat ang totoo dahil inamin na rin niy sa mga magulang nito ang pagkukunwari nila. Nagkaroon ng party kinagabihan siya ng, pinalabas at kaibigan nito bilang siya, isang mekaniko at hindi bilang si Brennen.

Kahit napamahal na sa kanya si Timmy, ayaw niyang sumugal sa pag-ibig nito. Ayaw niyang magkaroon ng kahati sa pagmamahal ang kanyang mga anak. Pero ng umuwi siya sa kanila, napagisip-isip niya ang kakulangan sa kanyang buhay. Sa kabilang banda, si Timmy ay nagbabalak na sumunod sa kanyang magulang sa Europe pero hindi natuloy dahil inalok siya ng kasal ni Graciano. Boto sa kanya ang dalawang anak nito. Doon niya naramdaman ang pagiging buo niya dahil kahit kalian hindi naman siya nagging kulang. Iimbitahin niya lahat ng kaibigan niya sa nalalapit niyang kasal. Dahil siguradio na sila sa pagmamahalan nila.

II. Pagsusuri

Ang estilo ng may-akda ay hindi pormal na karaniwang estilo ng mga pocketbook. Ang pasalaysay nito ng kwento ay sa pamamagitan ng pagtala ng pagkakakilala ng mga dalawang pangunahing tauhan at kung anu ang mga tungkol sa mga buhay nila. Bihira ang pag gamit ng mga tayutay, at gumagamit din minsan ng mga Ingles sa pag sadula ng kwento at minsan din sa dialogo ng mga tauhan. Wala ding masydong lihim na adhikain sa likod ng kwento. Ibig sabihin, payak lamang ang pagkagawa nito at walang masyadong puso na inilaan sa pagsulat dito.

III. Kongklusyon/rekomendasyon

Ang ganitong kwento ay simple at diretso sa punto ng pagkukwento ng dalawang tao na nagka gustuhan sa isa’t isa. Hindi na kailangan ng masyadong komprehesyon dahil ang tema ng pag-ibig ay nararamdaman at naiintindihan ng lahat. Ang maganda sanang idagdag dito ay paggamit ng mga tayutay o salawikain at kung mga pampagandang gramatiko upang mabigyan ng emosyon ang pagkakadula nito. Tanggalin din sana ng may akda ang paglalagay ng masyado ng ingles sa kwento at sa mga dayalogo para matuon ang atensyon ng mambabasa sa mga salitang filipino ng mas maintidihan ang nais ipahatid ng may-akda. Makakabuti din siguro kung nilagyan ng may akda ng konting buhay at tensyon ang kwento. Wala namang pinagbago ang tema nito sa mga libo libong kwento ng pag-ibig na inalalathala ng maramihan. Hindi ko masasabing marerekomenda ko sa mga ibang mambabasa o maala man lang ang kwentong ito ng matagal.